TulangKwenta
By: Duke Xander
Sa pagbabasa ng mambabasa
Nitong natatanging tula
Kaluluwa’y hinahanda
Sa mensaheng dala-dala
Bawat segundong dumadaan
Sa iyong orasan
Binubulong ng isipan
Ang sandali ay nasasayang
“Sana’y iba ang ginagawa
Sana ang isip ay gumagala
Sana’y ‘di na nakita
Itong walang kwentang tula”
Bakit pa nga ba
Ito ay nailathala
Nawawaldas, nawawala,
Nasasayang, papel at tinta
Baka ang manunulat
Namumutla ang balat
Ang saklap at alat
Pilit pinadarama sa lahat
O kaya’y nais pagtakpan
Natatagong kalungkutan
Sa kawalang hanggan
Ng pagkawalang katuturan
Bawat isang letra,
Bawat isang tugma
Sa tenga ay masaya
Ngunit kalaliman ay wala
Naririnig sa konsensya
Ang nakakabinging tawa
Ng nababaliw na makata
Na walang magawa
Nasasayang ang minuto
Habang binabasa ang tulang ito
Dahil sa iyong pagkatao
Ay walang nagbago
Sana’y nasayang ko
Ang iyong minuto
Sa pagbabasa ng mambabasa
Nitong natatanging tula
Kaluluwa’y hinahanda
Sa mensaheng dala-dala
Bawat segundong dumadaan
Sa iyong orasan
Binubulong ng isipan
Ang sandali ay nasasayang
“Sana’y iba ang ginagawa
Sana ang isip ay gumagala
Sana’y ‘di na nakita
Itong walang kwentang tula”
Bakit pa nga ba
Ito ay nailathala
Nawawaldas, nawawala,
Nasasayang, papel at tinta
Baka ang manunulat
Namumutla ang balat
Ang saklap at alat
Pilit pinadarama sa lahat
O kaya’y nais pagtakpan
Natatagong kalungkutan
Sa kawalang hanggan
Ng pagkawalang katuturan
Bawat isang letra,
Bawat isang tugma
Sa tenga ay masaya
Ngunit kalaliman ay wala
Naririnig sa konsensya
Ang nakakabinging tawa
Ng nababaliw na makata
Na walang magawa
Nasasayang ang minuto
Habang binabasa ang tulang ito
Dahil sa iyong pagkatao
Ay walang nagbago
Sana’y nasayang ko
Ang iyong minuto
1 Comments:
Cool! Galing! heheh =>
Post a Comment
<< Home